Eto na naman ako, reminiscin' about my childhood. Naalala ko lang bigla 'yung mga paborito kong laro noong araw... nakaka-miss talaga 'yung mga laro noon... talagang ramdam mo ang bawat himaymay ng pagiging bata mo pagkatapos ng bawat laro. Masyado na kasing high-tech ngayon...pc games, facebook applications, on-line games... biruin mo nga naman, nakaupo ka lang sa silya, nagiging matagumpay na hasyendero ka na (farmville or farmtown) without being burnt by the sun o kaya naman ay napuputikan. Nakakapunta ka sa Las Vegas at nagiging batikang sugarol (Pokergames...)... may chance ka pang i-build up ang pagiging sadista at murderous nature mo (Mafia Wars, Civilization...ecc) without being literally killed or endangered in the process... Mamma mia!
Pero sa totoo lang... kumontra na ang gustong kumontra. Mas masaya ang mga bata nu'ng araw. Nakakagalaw...natatagtag ang mga taba at bilbil sa tiyan... nagkakasugat pero tumatapang. Walang pambili ng laruan pero tumatalino...nagiging creative dahil sa kagustuhang malibang. Sabi nga sa korean film na castaway on the moon, desire makes man smarter...(or something like that.)
Makapal ang mukha (kabaligataran ng mahiyain?LOL) pero natututong bumuo ng matibay na pagkakaibigan. Hindi 'yung uso ngayon na easy friendship sa net...na isang click lang sa invite, friends na kayo. Kaya isang click lang din, pwedeng i-dismiss at burahin sa listahan. Swerte na talaga pag may nabuong matibay sa isang online friendship. At kung tutuusin, mangyayari lang naman talaga 'yun pag nagkita na kayo nang personal at nagkakilala nang harapan. Only then does it really becomes something real.
Makapal ang mukha (kabaligataran ng mahiyain?LOL) pero natututong bumuo ng matibay na pagkakaibigan. Hindi 'yung uso ngayon na easy friendship sa net...na isang click lang sa invite, friends na kayo. Kaya isang click lang din, pwedeng i-dismiss at burahin sa listahan. Swerte na talaga pag may nabuong matibay sa isang online friendship. At kung tutuusin, mangyayari lang naman talaga 'yun pag nagkita na kayo nang personal at nagkakilala nang harapan. Only then does it really becomes something real.
Lately, computer games seem to create not just geniuses but also cowards and lazy folks hiding behind avatars who becomes heroes because they suffer and die for you. These games makes you feel successful without really trying and lead you to believe an illusion of growth. Yes, because that is really just it. An illusion. I'm sure there are also positive sides to them, maybe a sharper mind for organization... I just happen to believe something else is much better.
Noong araw, kaysayang maging bata. Naglalaro sa putikan o sa ulan, di bale nang sipunin kinabukasan, may gamot naman. LOL!
Patintero. I have learned and gained so much from this game.
I learned to be fast and to be alert kasi kung babagal-bagal ka at eengot-engot, matataya ka. And lets admit it, nobody really enjoys being the loser. Lmao!
I gained stronger knees and keener instict.
But most of all, I learned a very valuable lesson from the number 1 rule in patintero:
It's better to cross the line and suffer the consequences than to just stare at the line for the rest of your life.
Just for the record, here is a clipping from the site http://palarongpinoy.multiply.com/journal/item/8/Ang_Opisyal_na_Patakaran_ng_Larong_PATINTERO
Ang Opisyal na Patakaran ng Larong PATINTERO: ANG SUMUSUNOD NA TALATA AY ANG OPISYAL NA PATAKARAN NG LARONG PATINTERO NA BINUO NG MAGNA KULTURA NOONG IKA-18 NG SEPTYEMBRE 2008, AT NA INAPRUBAHAN NG DEPARTMENT OF EDUCATION (DEP-ED) NOONG IKA-24 NG SEPTYEMBRE 2008. |
Ang Patintero ay isa sa pinaka-popular na Larong Pinoy. Minsan tinatawag din itong Harang Taga o Tubigan (dahil kadalasan ay binubuhusan ng tubig ang lupang nilalaruan). Ang Patintero ay nilalaro ng dalawang pangkat, na may pantay o parehas na bilang ng kasapi sa magkabilang koponan.
Kasanayang Matututunan: Susukatin ng larong ito ang bilis, liksi at talas ng atensyon ng manlalaro, at ang kakayanan nilang maglaro hindi bilang mga hiwalay na indibidwal kundi bilang isang nagkakaisang koponan.
Bilang ng Manlalaro: Limang (5)Bangon (Runners), laban sa limang (5) Taya (Taggers).
Layunin ng Laro: Kailangang makalagpas ang mga Bangon sa lahat ng linya --- mula sa una hanggang sa dulo --- at makabalik muli sa lugar na pinagsimulan (starting area), ng hindi sila natataya. Ang mga Taya naman ay magbabantay, isang tao sa bawat linya, at pipigilang makalagpas ang mga Bangon sa pamamagitan ng paghuli at pagtaya gamit ang tapik o pag-abot ng kamay sa harap (hindi sa likod) na bahagi ng katawan.
Lugar Palaruan: Malawak ang espasyo ang kailangan sa larong ito. Kailangang markahan ang lugar ng parisukat na may habang anim (6) na metro pahaba, at apat (4) na metro pahalang na hahatiin sa tatlong magkakaparehas na sukat.
Kagamitan sa Paglalaro:Maliban sa sarili, at sa lugar palaruan, wala nang iba pang materyales na ginagamit sa larong patintero. Subalit sa mga opisyal na paligsahan, gumagamit ang mga manlalaro ng iba’t ibang kulay ng chalk na inilalagay sa palad ng Taya upang bumakat ang sa katawan ang paghuli sa kalaban at nagigiging batayan sa balidong pagkakataya.
PANUTO SA PAGLALARO
1. Ang Laro ay pasisimulan sa pamamagitan ng Jack-en-Poy (Bato-Bato Pik - papel, gunting, bato). Ang sinumang manalo sa Jak-en-Poy, sila ang unang pangkat na maglalaro bilang mga Bangon.
2. Ang mga Bangon ay magsisimula unang linya at susubok na makalagpas sa bawat linya.
3. Ang Taya ay magbabantay sa bawat linya sa pamamagitan ng pagtayo at pagbaybay pahalang sa linya ng nakadipa ang mga kamay. Susubukan niyang abutin at matapik ng kanyang palad o mga daliri ang harapang bahagi ng katawan ng Bangon na nagtatangkang makalagpas. Kailangang nakalapat ang dalawang paa sa linya habang nananaya. Hindi balido ang pagtaya na hindi nakalapat ang mga paa sa linya.
4. Kapag nakalagpag na sa linya ang Bangon, hindi na siya maaring tayain ng nalagpasang bantay-taya, maliban na lamang kung pabalik na ito galing sa dulo.
5. Bawal lumagpas ang mga Bangon sa loob ng lugar nag palaruan. Kapag lumagpas ang Bangon sa lugar ng palaruan, ito ay ikukunsidirang nataya.
6. Kapag nataya ang isa sa mga Bangon sa anumang paraan, halimbawa ay natapik ng Taya o nakalagpas sa lugar-palaruan, magpapalit ng lugar ang dalawang pangkat. Ang kabila naman ang magiging Bangon, at ang nataya ang magiging Taya.
7. Ngunit kapag matagumpay na nakapasok at nakabalik ang mga Bangon ng hindi natataya sa anumang paraan, ang koponan ng Bangon ay gagawaran ng isang (1) puntos na score. Matapos maka-puntos, bahagyang ititigil ang laro at ang lahat ng Bangon ay babalik muli sa simulang lugar, at muling lulusob upang muling maka-puntos. (tuloy-tuloy lang ang laro hanggat hindi sila natataya)
8. Matatapos ang laro kapag ang isang pangkat ay nakatamo ng ang napag-sangayunang bilang ng puntos. Ang pangkat ay idedeklarang na itong panalo.
OPISYAL NA PATAKARAN
SA LARONG PAMPALIGSAHAN
ANG SUSUNOD NA TALATA AY ANG TAKDANG PATAKARAN
SA ISANG OPISYAL NA PALIGSAHAN NG PATINTERO
Sa opisyal isang opisyal, gagamit ng chalk na may kulayang bawat manlalaro, na ipapahid sa mga kamay ng mga Taya upang maliwanag na mapatunayan kung balido nga ang pagkakataya (sa harap na bahagi dapat ng katawan ang nataya).
ORAS: Mayroon lamang dalawang (2) minuto ang bawat pangkat para makaipon ng puntos.
Mga Opisyal na Kailangan sa Laro:
- Limang (5) line-referee na magbabantay, isa sa bawat linya. REFEREE
- Isang (1) tagatala ng oras, at isang tagatala ng puntos (score).
PATAKARAN NG PALALARO
I. Sa bawat guhit na malalagpasan ng Bangon, bibigyan ang pangkat ng dalawang (2) puntos.
Ang puntos ay igagawad lamang sa nangungunang Bangon na pinakamalayong narating, at hindi sa bawat kasapi ng Bangon na nasa likod kahit nakakalagpas. Kapag nakabalik sa simulang lugar ng hindi natataya ang nangungunang Bangon ay magkakaruon ng karagdagang anim (6) puntos ang kanilang pangkat. Kaya’t sa isang matagumpay na ikot, ang pinakamataas na puntos na pwedeng matamo ng pangkat ng Bangon ay (20) dalawangpung puntos.
II. Kapag ang isa sa mga Bangon ay nataya, muling babalik ang lahat ng Bangon sa Homebase upang magsilmulang muli, at ang itatalang puntos ay yoong sa kakamping Bangon na may pinakamalayong napuntahan. (Pagkatapos lamang ng dalawang (2) minuto magpapalitan ang pangkat ng Bangon at ang pangkat ng Taya.)
III. Sa pagkakataong naging patas ng puntos ang dalawang grupo, bibigyang konsiderasyon kung sino sa dalawang grupo ang may mas maraming “home run” o matagumpay na ikot.
IV. Sa pagkakataon naman na pantay na pantay ang dalawang grupo kahit pa sa mga “home run”, uulitin ang buong laro.
a) Muling mag-ja-Jack en Poy ang dalawang pangkat kung sino ang unang maglalaro bilang Bangon;
b) Sa pagkakataong ito, bibigyan ng limang (5) minutong tagal ang buong laro (hindi na dalawang minuto bawat pangkat);
c) At sa bawat pagkakataya ng isang kasapi ng pangkat ng Bangon, palit kaagad at magiging bagong Taya ang dating Bangon;
d) Ang may pinakamaraming puntos sa loob ng limang (5) minuto ang idedeklarang panalo.
_____________________________________________________________
Napakasaya ng larong Patintero. Maraming magagandang alaala ang mga dating kabataang naglaro nito na hanggang ngayo'y sinasariwa pa ang mga eksena kasama ng kanilang mga kababata sa kapit-bahay. Magandang matutunan din ito ng mga kabataan ngayon. Ituro natin ito sa mga bata, para magkaroon sila ng kakaibang laro, larong Pinoy kasama ng ibang mga bata sa kapit-bahay.
Buhayin natin ang mga Laro ng ating Lahi.
Buhayin natin ang diwang maka-Pilipino
sa mga bagong kabataan sa panahong ito.
ITO ANG LARO NG MGA BATANG PINOY.
2 comments:
"It's better to cross the line and suffer the consequences than to just stare at the line for the rest of your life."
Oo nga naman... Sa patintero na maintain ko pa ang coca-cola figure ko (can). Plus, i love the interaction with my playmates. Masaya at memorable. Ang masarap pa diyan, pagkatapos maglaro eh pupunta sabay-sabay sa tindahan para bumili no Pop (mas mura kasi) at corn bits. I think it made us better persons (well, maraming exceptions din- ako, and ummmm... ako lang?!)
Naglaro ako ng Mafia Wars, Backyard Monsters, at Millionaire City... I have become an evil greedy monster!
hahaha! Para magandang lesson nga naman sa buhay ang patintero. Pero kahit pa gaano kabulaklak ang quote na ito, masaya at masarap maglaro ng patintero kaysa i-apply sa tunay na buhay... weeeh!
Pahabol: impressive naman ang DECS. talagang ginawan na nila ng official rules ang patintero! That's really nice!
EAT DUST Wii and Xbox!
Post a Comment